Tuesday, March 12, 2013

BAYANI O BALIW

Bago pa nagsimula ang pagpapatayo ng Mount-Sea OLR, ay pinayuhan ko na si Joseph Yap na pag-isipan ng ilang beses at kunsultahin na din pati yung Misis niya. Napakatigas ng paninindigan niya dahil sa dami ng nag-eenganyo sa kanya at sa paniniwalang susuportahan ito ng husto. Sa murang edad at pagmamahal niya sa sports ng kalapati ay gusto niyang magsimula ng isang kakaibang paglalaban ng mga kalapati sa isang parehas na pamamaraan at tangi ang ibon lamang ang lumalaban dito.

Ang Misis niya ay todo tutol sa plano niya. Ngunit makaraan ng ilang panahon ay pumayak na din siya para mabigyan katuparan ang kagustuhan ni Joseph. Itong pag-sang-ayon niya ay dahilan na din sa ilang taong nakausap niya na handang tumulong, at isa na ako doon.

Sa unang salbo pa lang ay nagulat na ako sa laki ng kanyang ginastos sa pagpapatayo ng loft. Sinabi ko sa kanya na matagal tagal ito bago niya mabawi. Ngunit imbis na huminto siya sa pag-gagastos ay tuloy tuloy pa din ang kanyang pagpundar. Madalas namin siyang pinapayuhan at sinasaway, ngunit nananaik pa din yung kagustuhan niyang mapaganda ang MS-OLR.

Kung papansinin niyo yung unang litrato ng MS-Loft, makikita niyo yung Pisikal ng pagkakaiba sa Loft ngayon. Ngunit hindi lang ang labas ang nagbabago, kundi mas higit ang loob nito. Sa pagdadala niyo ng ibon nitong Season-5 ay inanyayahan ko kayo na libutin ang bawat sulok ng loft at ikumpara sa dati kung sakaling nakarating na kayo minsan dyan.

Bukot sa mga BODs ay marami ding mga grupo at katauhan na tumulong at patuloy na tumutulong. Nangyayari ito dahil sa paniniwala namin sa sinseridad at credibilidad ng ating butihing Organizer. At nais din namin na makapag contribute sa isang matagumpay na OLR tungo sa isang malaking karangalan ng ating bansa.

Sino man taong may pagmamalasakit at magandang layunin ay inaanyayahan din naming tumulong. Ang MS-OLR ay para sa ating lahat. Dito tayo nag-eenjoy at nagkakaroon ng karagdagang mga kaibigan. Hindi biro yung sakripisyo na ibinigay ni Joseph. Pera, oras at panahon niya. Pati sariling negosyo at pamilya niya ay madalas na napababayaan dahilan dito sa MS-OLR.

Ano naman ang nagawa natin? Madami dami din. Hindi ko na babanggitin dito kung sino sino ang mga tumulong, dahil napakarami nila. Sasamantalahin ko muna itong pagkakataon na pasalamatan sila bago ko makalimutan. Dakila kayo dahil sumusuporta kayo ng walang kapalit. Alam kong busy din kayo ngunit nandyan kayo tuwing kakailanganin ang tulong niyo.

Sa mga bumabatikos naman, ang tanging hiling ko lang ay ang inyong pang-uunawa. Ang Organizer at BODs ay pinagsisikapan na lalong mapabuti at mapaganda ang OLR natin. Patuloy kaming nakakatanggap ng mga suhestyon at yung pwedeng gawin ay ginagawa at ang hindi naman ay maaring panahon lang ang hinihintay at maari din ma-adopt sa darating na araw.

Ano ang ginagawa ng Organiser at MS-OLR BODs? Para sa kaalaman ng lahat, ang Organiser ang solong gumagastos sa Loft, Maintenance at patuloy na pag-improve nito. Pagdating sa mga alituntunin at gastusin sa pamamahala ng OLR lang nakapaloob ang mga BODs. Ilang mabibigat na gastusin ay sweldo ng loftmen, kuryente, tubig, patuka, bitamina, pmv vaccine, loft cleaning, BAI certificates, road trainings hanggang  race proper. Mga gastusin sa final event ay sakop din sa operation na saklaw ng mga BODs. Sa loob ng apat na taon ay abonado pa din kami. Ako ang higit na nakakaalam kung kumita na ang Organizer o hindi. Bagamat ang proceeds ng Auction o buy back birds ay sa kanya napupunta, sa apat na taong ito ay di pa din niya kayang bawiin ang ginastos niya.

Welcome po sa aming lahat na magkaroon ng panibagong OLR dito sa Pilipinas, dahil alam namin na aabot na sa limit ang kapasidad ng MS-OLR. Dadating ang araw na mas mabigat ang aming haharapin at yun ang tanggihan ang entries ng mga miembro. Mas madali na din siguro para sa bagong OLR dahil maiiwasan na nila ang mga pagkakamali ng MS. Handa din akong magbigay ng impormasyon tungo sa ikabubuti ng mga bagong OLR sa Pilipinas.

Salamat sa inyong lahat at Mabuhay ang Mount-Sea OLR.

Sunday, March 10, 2013

A SALUTE TO THE ORGANIZER

Once again, I would like to congratulate Mr. Joseph Yap for another successful event. This thing could not have happened without the supports of groups and people who believes in his passion and sacrifices.

As the Organizer of MS-OLR, J.Y. is solely responsible for the financing of the loft constructions and its continuous improvements. On the other hand, there are BODs who handles the operations of OLR.

Present BODs are as follows:
Mr. Joseph Yap
Mr. Ferdinand Chua
Mr. Ruddy Tan
Mr. Julio Ang
Mr. Vicente Ngo

As a BOD of MS-OLR, we have each advanced 50K for the start up operations. After the 3rd season, we have not fully gotten back our advances yet. We fully understood the situations as the primary objective of the MS-OLR is to promote Racing Pigeon Sports in a different form. To allow Fanciers to test their birds in a different environment and to provide a venue for those who are busy with their works. After the success in the 4th season, we are thankful to our Lord for all the blessings. The little sacrifices by each and every BOD is rewarded with the fruit of success, the enjoyment and camaraderie that we were able to provide to all participants.

Every year, we made some adjustments and continue to improve ourselves. Yes, we know that we can't pleased everyone, but even with a meager resources, we do our best to make the MS-OLR reach a greater height and be recognized as a world class OLR in the Philippines.

In behalf of the BODs, I would like to once again thank our Sponsors, Supporters and friends in the trust and confidence to the MS-OLR.